Cameroon national arestado sa pag-alipusta ng traffic enforcer

INARESTO ang isang Cameroon national nang alipustahin nito ang sumitang traffic enforcer dahil sa paglabag sa anti-jaywalking kung saan ay nanapak pa ito ng isang rumespondeng pulis kamakalawa ng tanghali sa Pasay City.

Unang sinita ng mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sina Ndille Ndille Kogge, 32 at kasamang si Elvis Ebong Dikobe Ndelley nang tumawid sa hindi tamang tawiran sa
kanto ng EDSA at Taft Avenue  bago mag-alas 12 ng tanghali.

Habang ini-isyuhan ng Jaywalking Violation Receipt ng traffic enforcer si Ndelley, hinatak siyang palayo ni Kogge at pinagmumura at inalipusta ang mga traffic enforcer kaya’t humingi sila ng tulong kay PO3 Constantino Violeta ng Pasay Traffic Management Unit.

Malumanay namang kinausap ni PO3 Violeta ang dalawang dayuhan at ipinaliwanag ang nagawa nilang paglabag na may katapat lamang na parusang pagmumulta subalit maging ang pulis ay inalipusta rin umano
ni Kogge.

Dahil dito, napilitan ang pulis na dalhin si Kogge sa headquarters ng Pasay police, sa tulong na rin ng mga traffic enforcers subalit bago pa man makapasok sa investigation division ay sinapak na sa mukha ng
dayuhan si PO3 Violeta.

Dahil dito, hindi lamang paglabag sa anti-jaywalking ang kaso ni Kogge kundi sinampahan din siya ng disobedience of lawful order, unjust vexation, resisting arrest at assault upon agent of person in
authority.

Napag-alaman na walang embahada o konsulada ang bansang Cameroon sa Pilipinas kaya’t hindi naipagbigay alam ng pulisya sa sinumang kinatawan ng kanilang bansa ang kinasasangkutan niyang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply