Cancer patient ng PGH lumipad mula 4th flr. tigok

BASAG ang bungo ng isang cancer patient ng Philippine General Hospital matapos tumalon mula sa ikaapat na palapag ng gusali ng ospital kaninang umaga sa Taft Avenue, Maynila.

Patay agad si Edgardo Santos, 44, ng 45 Luzon St, Zone 5,  Signal Village Taguig City.

Ayon kay PO3 Richard Limuco, alas-8:30 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa ikaapat na palapag ng gusali ng PGH.

Nauna rito, na-admit ang biktima sa ospital noong Setyembre 22 dahil sa sakit na cancer.

Kaninang umaga, nagpaalam ang bantay at kapatid ng biktima na si Edgar  upang bumili ng pagkain sa labas ng ospital.

Dito na nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na magpatiwakal kung saan tinanggal ang kanyang dextrose  at nagtungo  sa beranda ng palapag saka tumalon.

Ayon naman sa nurse na si Ella Arcilla, nagulat na lamang siya nang makarinig ng malakas na kalabog  at nakita na lamang ang biktima na nakahandusay na sa semento.

Paniwala ng kaanak ng biktima na hindi na nito nakayan ang kanyang sakit na cancer kaya nagpakamatay na lang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply