Career Executive System palalakasin pa

INAPRUBAHAN ng Senado sa huli at pinal na pagbasa ang Senate Bill 3125 na naglalayong palakasin ang career executive service (CES) sa gobyerno at protektahan ito laban sa impluwensya ng pulitika.

Binubuo ang CES ng mga senior manager at executive officer ng pamahalaan na kakatawan sa tinatawag na “third level” ng Career Service System.

Layunin ng panukalang batas na ayusin ang mga problema at punan ang kakulangan sa kasalukuyang sistema dahil sa patung-patong na trabaho ng Career Executive Service Board (CESB) at Civil Service Commission (CSC) sa pamamagitan ng paglilipat ng administratibong pamamahala ng mga empleyado ng CESB sa ilalim ng CSC.

Ang pangunahing may-akda ng panukala ay si Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV, tagapangulo ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.

“Sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, ang prinsipyo ng merito at kaangkupan sa trabaho ang mangingibabaw na kultura sa ating mga career service officer. Inaasan din na maaayos ang Career Executive System, maipatutupad ang checks and balance at maiiwas ang Career Executive Service at Career Executive System Board mula sa impluwensya ng pulitika at mahihikayat ang propesyunalisasyon sa ating mga government manager at executive,” ani Trillanes.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply