Caretaker utas sa brgy. tserman sa Maynila

PINAGHAHANAP ngayon ng awtoridad ang isang barangay chairman na nakabaril at nakapatay sa isang 52-anyos na junkshop caretaker sa Pandacan, Maynila, kagabi (Setyembre 11).

Hindi na umabot pang buhay sa Philippine General Hospital ang biktimang si Albert Dalisay, may-asawa ng 1937 Sampaguita St., Pandacan, Maynila sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan.

Nadamay naman at nagtamo ng sugat si Atomwell Dalisay, 28, may-asawa ng 2025 Pres. Quirino Ave., Pandacan, Maynila na kasalukuyang ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila.

Ang suspek na si Edmundoi Tujon, alias “Eddie” Chairman ng Brgy. 844 Zone 92, District 6 at residente ng 1952 Obesis St., Pandacan, Manila ay tumakas matapos maisagawa ang pamamaril.

Sa report ni PO2 Crispino Ocampo ng MPD-Homicide Section, dakong 9:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng Dalisay compound sa 2025 Pres. Quirino Ave., Pandacan, Manila.

Nauna dito, armado umano ng isang samurai si Albert at hinabol ang isang “Kambal.”

Rumesponde naman ang tserman kasama ang ilang opisyal ng barangay upang pigilan si Albert.

Nang makita ng biktima ang grupo ng barangay ay pumasok ito sa bahay ng pamangkin na si Atomwell.

Sinundan ng punong barangay at pumasok ito sa compound ng mga Dalisay at walang sabi-sabing pinaputukan si Albert kung saan nadamay ang kanyang pamangkin.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek habang ang mga biktima ay isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Albert.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply