Casiño solo na tatakbo sa senatorial

AARANGKADA ng nag-iisa o bilang independent si Bayan Muna Rep. Teddy Casino sa pagka-senador sa 2013 at hindi ito lalahok o makikipag-alyansa sa Liberal Party at United Nationalist Coaslition (UNA).

Mas makakabuti aniya para sa partido ang maging independent at walang hila-hilang bagahe.

“Our consensus in the party is that I am better off running solo. In this way, I won’t be tied down by the political complications and baggages that a coalition of traditional parties usually entail,” ayon  kay Casiño.

Si Casiño ay kakandidato sa ilalim ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Makabayan), na binubuo ng iba’t ibang party list organizations at mga politikong progresibo.

Inaasahang susuportahan si Casino ng may 3.5 botante dahil ang Makabayan, aniya, ay maglalagay lamang ng isang kandidato.

“By running solo, I can effectively deliver my message of change. The traditional political parties have failed to uplift the lives of our people. It’s time for new parties, new voices and new leaders to enter the Senate,” ani Casiño.

Magkagayunman, aminado si Casiño na hindi madaling kumandidato bilang senador lalo pa’t hindi siya nagmula sa isang political clan at hindi siya mayaman.

“ I’m not rich. Nor am I a showbiz or media personality. This is precisely the point of my candidacy – that we need someone new in the Senate, someone who can be the voice of the ordinary folk.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply