Cassava production sa El Nido Palawan, palalakasin

NAGSAGAWA ng tatlo araw na demontrasyon ang Cassava Grater and Presser Operation and Cooking para sa mga magsasaka upang palawigin at palakasin ang cassava production sa El Nido, Palawan.

Ang nasabing demo ay pinangasiwaan ng Department of Agriculture (DA) at ng Office of the Provincial Agriculturist na dinaluhan ng 50 mga miyembro ng farmer’s cooperative.

Itinuturo sa mga lumahok ang tamang pagproseso ng kamoteng kahoy hanggang sa pagluluto nito upang maging mas dekalidad ang kanilang mga produkto na pangunahin nilang pangkabuhayan.

Pagkatapos ng pagsasanay ay pinagkalooban ng Cassava Grater and Presser ang bawat asosasyon o kooperatiba ng mga magsasakang nagtatanim ng kamote upang magamit nila ito sa pagproseso ng kanilang produkto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply