Cassava techno-demo showcase sa Gensan, inilunsad

INILUNSAD kamakailan ang cassava techno-demo showcase sa Barangay Sinawal, General Santos City.

Puntirya ng naturang cassava techno-demo showcase na palawakin ang produksyon ng cassava sa rehiyon  bilang bahagi pa rin sa Food Staples Self-Sufficiency Program (FSSP) na patuloy at mariing isinusulong ng Department of Agriculture 12.

Pahayag ni Merlina Donasco, City Agriculturist, na nais ng DA na matulungan ang mga cassava farmers sa malaking produksyon na makukuha ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtuturo ng mga bagong teknolohiya sa cassava farming at pagtugon sa mga problema ng post-harvest facilities.

Siniguro naman ni Donasco sa mga cassava farmers ng barangay ang malakas ng potensiyal ng cassava sa merkado kung kaya’t hindi dapat mabahala ang mga magsasaka sa paghahanap ng mga consumers na maaari pagbentahan ng kanilang mga produkto.

Isang ektaryang lupain ang gagamitin sa cassava techno-demo showcase na tatamnan naman ng Lakan variety.

Tampok sa nasabing showcase ang field demonstration na pinangunahan ni Dra. Lorna Vilbar, Center Chief ng Tupi Research Outreach Station at Roel De Ramos na kung saan ipinakita sa mga cassava farmers ang intercropping at relay system. Iminungkahi din sa field demonstration ang pag-iintercrop ng mais.

Samantala, mag-aabot ang DA sa mga cassava farmers ng mga cassava planting materials at iba pang inputs tulad ng abono at pestisidyo.

Ayon sa Bureau of Agricultural Statistics, ang cassava production performance sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN ay abot sa 25.55% na pagbabago mula 34, 556 metric tons (MT) noong 2010 hanggang 43, 486 MT nitong 2011.

Ngayong taon, target ng industriya ng cassava na makapagprodyus ng 2, 470, 000 MT ng cassava na siyang makapagbibigay ng 75% cassava self-sufficiency sa buong bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply