Manalangin para sa kapayapaan – CBCP

KASABAY nang pagdiriwang ng Peace Month sa bansa, hinikayat ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Pinoy na manalangin para sa kapayapaan.

Matatandaang ang buwan ng Setyembre ay idineklarang Peace Month noong Hulyo 10, 2004 sa pamamagitan ng Proclamation No. 675.

Kaugnay nito, sa isinagawang regular meeting, nagkasundo ang CBCP permanent council na ilaan ang isang araw ng Linggo ngayong buwan sa pagdarasal ng isang special prayer sa lahat ng simbahan sa bansa.

Ayon kay CBCP secretary general Monsignor Joselito Asis, lahat ng parish church ay hinihiling na isama ang pagdarasal ng “Harmony Prayer” sa kanilang Sunday Masses.

Ang aksyon ng mga obispo ay kasunod na rin ng kahilingan ni Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Teresita Quintos Deles sa religious sector na makiisa sa pagdiriwang ng Peace Month.

“We encourage our friends from the religious sector to participate in the celebration of Peace Month 2012 to use the Harmony Prayer in one of your Sunday Masses in September, if possible,” hiling pa ni Deles, sa liham na ipinadala nito kay CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma.

Ito na umano ang ikasiyam na taon na ipinagdiriwang ang Peace Month sa bansa.

Nabatid na ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay, “Ako. Ikaw. Tayo. Magkakaiba, Nagkakaisa sa Kapayapaan.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply