CDO Mayor Emano, ginigipit ng mga kalaban sa pulitika

INAKUSAHAN ngayon ng panggigipit ng kalaban sa pulitika ang dahilan sa mistulang pagmamadali ng kasong administratibong kinakaharap ni Cagayan de Oro City Mayor Vicente Emano.

Sinabi ni Emno na ikinagulat niya na unang araw pa lang ng appointment ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ay ito kaagad ang nabigyan ng pansin nang ito’y bigyan ng notice na pasagutin sa kaso nitong nakabinbin sa DILG.

May kaugnayan ito sa kasong gross negligence at dereliction of duty na isinampa ng mga kalaban nito sa pulitika sa lungsod noong kasagsagan ng bagyong Sendong.

Dahil ayon sa mga oposisyon, hindi umano bumuo ng City Disaster Risk Reduction at Management Council si Mayor Emano na requirement ayon sa batas at ang hindi umano nito paglaan ng calamity fund at paghihintulot nito sa mga residente na tumira sa mga danger zones, mga bagay na itinangi naman ng mayor.

Isa lang umano ang nasaisip nito at ito ay ang plano umano ng kalaban sa pulitika na hadlangan ang pagtakbo nito sa 2013 elections.

Kamakailan ay dininig ng DILG-10 ang kaso ni mayor ngunit hindi ito sumipot kaya’t hinihintay na lamang ngayon ang desisyon ng ahensya gayundin ang desisyon ng pangulong Noynoy Aquino kung bibigyan ba ng suspension ang mayor o hindi .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply