CEAP: Mga sakripisyo sa ilalim ng Batas militar, ituro sa mga mag-aaral

HINIMOK ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan na ituro sa kanilang mga mag-aaral na may 40-taon na ang nakalilipas ay isinailalim sa Batas Militar ang Pilipinas at marami ang nagbuwis ng buhay upang makamit lamang ng mga Pinoy ang mahalagang regalo ng kalayaan na tinatamasa ng lahat sa ngayon.
Ang CEAP ay samahan ng mga Catholic schools sa bansa.

Ayon kay CEAP president Fr. Gregg Banaga, pangulo ng Adamson University, mahalagang mabatid at ipaalala sa mga kabataan ang sakripisyo ng matatanda upang mabawi lamang ang kalayaan ng bansa mula sa diktaturya.

Ipinaliwanag ni Banaga na hindi dapat na balewalain ng mga mamamayan, partikular ng mga kabataan, ang kalayaang tinatamasa ngayon dahil hindi nila ito naranasan noon.

Inalala pa ni Banaga, na mag-aaral sa Adamson University noong 1972 nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law, kung gaano namamayani ang takot sa kanila noong panahon ng Batas Militar.

“It is important to remind students about the Martial Law because the freedom we are enjoying today is not enjoyed in the past and a lot of people risked their lives for this freedom,” ani Banaga.

“Let it be a warning to students not to take democracy for granted. If you don’t guard it, one day you will lose it and you will long for it,” aniya pa.

Hinikayat rin ni Banaga, pangulo ng Adamson University, ang mga kabataang Pinoy na bantayan ang kalayaan upang maranasan rin ito ng mga susunod pang henerasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply