Cebu priest sinuspinde kaugnay sa isyu ng ivory smuggling

SINUSPINDE ng Simbahang Kkatoliko si Msgr. Cristobal Garcia matapos ipaalam sa Archdioces of Cebu na ipinagpapatuloy ng Vatican ang imbestigasyon laban dito hinggil sa kasong child abuse at smuggling ng batong Ivory sa Estados Unidos.

Ayon kay Cebu Archdiocese Media Liaison Officer Monsigor Achless Dakay, wala silang kaalam-alam na muling binuksan ang kaso sa pagsisiyasat kay Garcia na nagdulot ng suspensyon nito.

Napag-alamang sarado na ang kasong child abuse na hinarap ni Garcia sa Amerika, 20 taon na ang nakararaan nang mangmolestiya umano ito ng dalawang altar boys.

Bukod dito, nadiskubre rin ang smuggling activity umano ni Garcia sa mga batong Ivory kaya’t marami itong koleksyon ng mga imahe na gawa na nasabing mamahaling ivory.

Sa ngayon, labas-masok na si Garcia sa ospital dahil sa kanyang sakit na diabetes at hypertension.

Sinabi rin ni Dakay na pinagsisisihan na ni Garcia ang kanyang kasalanan at nakiusap huwag kondenahin ng mga kritiko ang monsigor hangga’t hindi pa napatutunayang may kasalanan ito.

Si Garcia ay kilala hindi lamang sa Simbahang Katoliko kundi isa ring chairman ng Commission on Worship, at Business Manager ng pahayagang, “Bag-Ong Lungsoranon” sa Cebu.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply