Cebuano Underbone Kings

HINDI nagkamayaw ang mga Cebuano sa pagdating ng Shell Advance promo team at RACE Motorsports Club noong nakaraang Agosto 25 sa SM Cebu para sa Cebu round ng 2012 Shell Advance Underbone Kings Challenge.

Wagi sa obstacle course time trial challenge si Ralph Flores at tumanggap ng P5,000, sinundan ni Joy Salbana na tumanggap ng P3,000 at sa ikatlong pwesto naman ay si Math Cenarlo na nakatanggap ng P2,000.

Bumida rin ang astig na motorsiklo nina Cyprian Murillo (Stock)  at Ardrie Deiparine (Open) para sa kompetisyon ng Best Dressed motorcycle sa kani-kaniyang kategorya. Nagkaroon din ng iba pang contest gaya ng Slow race, Bike balance at pa contest para sa Best Helmet design.

Ang mga nagwagi ay tumanggap din ng trophy,  tig-isang Shell Advance Jacket at Outlast battery.

Ang awarding ay pinangunahan ng VIPs na sina Mr.Johnny Baladjay at Mr. Franklin Ong ng Phil. Asia, at ng Mr. Raf Sobrepena.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply