Cesar Montano, may laplapan kay Mercedes Cabral sa Biktima

PAGDATING sa mga love scenes, hindi pa rin pahuhuli si Cesar Montano. Tulad na lang ng balitang nakipaglaplapan raw ito sa actress na si Mercedes Cabral sa bagong pelikula niyang Biktina na idinirek ng Fil-Am director na si RD Alba.

Hindi basta-basta pelikula ni Cesar Montano ang Biktima dahil co-producer ang actor rito at ang Alba Produc- tions na nakilala sa Tagbilaran City, Bohol sa pagpu-produce ng mga local drama series na ipinalalabas sa mga Visayan province.

Kahuli-hulihang soap opera na ginawa ng Alba Productions na idinirehe ni RD ay ang Kapalaran na tumagal ang airing ng almost a year. Ipinalabas sa ABS-CBN Cebu starion noong mid 2004 hanggang  early 2005.

Kinailangan pa ni Cesar na umuwi sa kanyang mahal na probinsyang Bohol at kasama pa ang asawang si Sunshine  para gawin ang movie roon. Kinunan ang Biktima sa iba’t ibang panig ng Bohol.

Hindi magkapartner sina Cesar at Sunshine sa Biktima. Sa halip, ang katambal niya rito ay sina Angel Aquino at Mercedes Cabral. Si Sunshine ay support sa movie bilang executive ng isang TV network sa istorya.

Ginamitan ito ng pinaka-latest camera sa digital film, ang Red Camera. Sinasabing pinakamalinaw na resolution pagdating sa pag-capture ng mga eksena sa film. First time na makakaranas ang local audience ng digital film na ginamitan ng Red Camerang invented Oakley, USA, na kilala sa Oakley Sunglasses.

Kaya kahit sabihing nasa kategorya pa rin ng indie film ang Biktima, ito’y ginastusan rin ng milyung-milyong piso dahil hi-tech lahat ang equipment na ginamit.

Sa set, kampante si Sunshine kahit hindi siya ang katambal ni Cesar sa Biktima. Bagkus, pinabayaan lang niya na magkaroon ng maromansang tagpo si Cesar kina Angel at Mercedes.

Ipalalabas sa third week of September ang Biktima sa mga sinehan sa buong Pilipinas. Iri-release ito ng Star Cinema ng ABS-CBN.

000

PARANG totoo na ang sweetness nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Nang huli kaming madalaw sa set ng no. 1 Sunday noontime musical variety show ng GMA 7, ang Party Pilinas, aba, nakita naming sinusundo pa ni Julie Anne si Elmo sa dressing room ng mga lalaki. Mukhang may lakad silang dalawa pagkatapos ng show.

Inamin lang dalawa na naging super close sila sa isa’t isang buhat nang magpartner sa Party Pilipinas at sa mini soap na Together Forever na kahit mataas ang ratings ay last episode na ngayong Sabado at napanonood pagkatapos ng StarTalk.

Sabi nina Elmo at Julie Anne, parang magbarkada lang daw silang dalawa. Kumakain sila sa labas at minsan ay nanonood ng sine pero lagi na’y may chaperon naman.

Ngayong Sabado, isang malaking desisyon para kay Toyang na sabihin kay Ely ang katotohanang nalaman sa kanyang ama. Naiipit man siya sa dalawang taong mahalaga sa kanya ay gagawin niya ang tama. Ipaaalam niya kay Ely ang involvement ng amang si Raymund (Richard Quan) sa aksidente ng mga magulang ng mag- kakapatid na Trinidad.

Dahil sa pagmamahal sa nasirang mga magulang ay magiging mahirap para kay Ely ang pakisamahan si Toyang at ha- rapin si Raymund. Sa takot na lalong masira pa ang nalamatang relasyon ay magdedesisyon si Toyang na makipag-hiwalay kay Ely.

Mararamdaman naman ni Raymund ang hirap at sakripisyo ng kanyang anak na si Toyang sa sitwasyon nila. Haharapin ni Raymund ang magkakapatid na Trinidad upang humingi ng tawad at patatawarin naman nina Jasmine, Raz (Renz Valerio) at Angelo (Enzo Pineda) si Raymund maliban kay Ely.

Samantala, suko na si Jasmine (Janine Gutierrez) na magkakabalikan pa sila ni Ben (Benedict Campos). Hindi na- man pumayag si Cholo (Steven Silva) na magtapos na lang sa ganito ang love story ng kaibigan.

Maayos pa kaya ang relasyon nina Ely at Toyang? Maging together forever pa kaya ang love story nila? Samantala, magagawa pa bang isalba ni Cholo ang relasyon nina Jasmine at Ben?

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply