Cessna plane bumagsak, Indonesian pilot sugatan

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang Indonesian pilot bagamat sugatan ito matapos na aksidenteng bumagsak ang sinasakyan nitong pribadong Cessna plane kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dinwede West, Cervantes , Ilocos Sur.

Naganap ang aksidente halos dalawang linggo lang ang nakakalipas mula ng bumagsak ang chartered plane na sinasakyan ni DILG Secretary Jesse Robredo at isa pang banyagang piloto.

Sa report na isinumite ni Supt. Jovencio Badua, spokesman ng Ilocos Regional Police Office sa punong himpilan sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Michael Djaja na isinugod sa pagamutan ng rescue team matapos itong magtamo ng maraming sugat sa katawan at
mabalian ng buto.

Base sa imbestigasyon, naganap ang aksidenteng pagbagsak ng Cessna plane na pinalilipad ni Djaja sa Sitio Maslong, Brgy. Dinwede West ng bayang ito kung saan dakong alas-8 na ng gabi ito narekober sa crash site ng rescue team.

Nabatid na ang nasabing Cessna 152 na may tail number RPC 6971 ay nagtake-off sa San Fernando City, La Union dakong alas-10:06 ng umaga at inaasahang lalapag sa Tagudin, Ilocos Sur dakong alas-12ng tanghali.
.
Gayunman, nawalan na ng komunikasyon sa nasabing piloto ang Leading Edge International Aviation Academy.

Nakatanggap naman ng impormasyon dakong alas-6:26 ng gabi ang nasabing international aviation academy na may-ari ng pribadong aircraft na naispatan ang eroplano sa Cervantes , Ilocos Sur kung saan ay agad namang nagsagawa ng search and rescue operation hanggang sa matagpuan ang sugatang Indonesian pilot.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito matapos na mabatid na kinukumpleto lamang ng nasabing biktima ang reqired flying hours para maging isang ganap na commercial pilot .

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply