CGMA, isasailalim sa stem cell treatment sa Lunes

ISASAILALIM si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa isang stem cell therapy sa Lunes,Setyembre 10, na ikakasa ng isang alternative medicine doctor.

Sa kanyang ipinosteng Twitter account nitong Sabado ng umaga, Setyembre 8, sinabi ni Arroyo na ang pagpapagamot niya sa darating na Lunes ay kanyang pang-apat intravenous treatment.

“This Monday I will have my fourth stem cell intravenous treatment with my alternative medicine doctor,” pahayag nito.

Sinabi rin nito na, “It’s cultured stem cell and much more modest in price than the one coming from sheep or one’s own body.”

Hindi na binanggit ng dating pangulo ng bansa kung magkano aabutin ang gastusin sa kanyang pagpapagamot.

Ang stem cell theraphy ay isang klase ng intervention strategy na nagpapakilala sa bagong adult stem cells sa damaged tissue para magamot ang isang sakit o kapansanan.

Nauna rito, sinabi ni Arroyo na humahanap siya ng alternatibong solusyon sa isang anatomic problem kata nnapilitan siyang tumakbo sa isang government hospital nitong nakaraang buwan.

Sinabi rin ni Arroyo na may nakita na siyang 2 “alternative medicine practitioners,” at may kausap na rin siyang isang “neurocervical spine purist.”

Tatlong beses sa bawat isang lingo ay pumupunta siya sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City para magpa-theraphy at ang huli ay nitong nakaraang Huwebes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply