Chairman nilikida sa loob ng restaurant sa Roxas City

PATAY ang isang barangay chairman sa Roxas City matapos pagbabarilin ng ilang ulit ng mga hindi pa nakikilalang riding in tandem kaninang umaga sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang kay Barangay Captain Wilson Tianchon alas 6:50 ng umaga kanina sa loob ng Bambooland Restaurant, sa Kilometer 1, Roxas City.

Sa pagsisiyasat, lumalabas na nakabantay sa loob ng restaurant ang biktima nang lapitan ng dalawang suspek saka pinaputukan ng ilang ulit.

Limang tama ng punglo sa dibdib ang nakapatay sa biktima.

Nabatid na nagpanggap munang mga kustomer ang mga suspek at nang matapos maubos ang inorder na kape ay saka isinagawa ng mga ito ang paglikida sa kapitan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso para sa pagkakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply