Charee Pineda, may bagong love kaya super ganda!

LALONG sumiseksi si Charee Pineda ngayon. May nagpapaseksi raw kasi. Kapag nakikita namin siya sa soap na Angelito, bagay ang kaseksihan niya roon. Yun pa rin ang tsismis sa kanya, hindi matapus-tapos na tsika na inuugnay siya kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Ani Charee: “Naku, hindi po si Mayor ang dahilan. Natitsismis lang kami dahil magkagrupo kaming dalawa sa Valenzuela. May mga charity work ako na nakakasama siya.

“Talagang nagpapayat ngayon dahil sa bago kong endorsement. Nag-lose ako ng weight para mag-fit lalo ang jeans lalo pa’t nagkaroon kami ng mahabang pictorial lately.

Pero hindi pa rin daw siya ready na mag-grace ng cover ng FHM Magazine. Hindi naman daw niya isinasarado ang pintuan. Kaya lang sa pakiramdam ni Charee, hindi pa siya handa. Feeling niya ay hindi pa siya ganong kaseksi na magpapakita ng buong katawan na naka-two piece lang.

Hangad rin daw niya na maging cover ng FHM. Alam naman niyang nasa hustong gulang na siya para tumaggap ng mga sexy and daring. Pero sa ngayon, hindi pa siya talaga handa. Lalo na’t ang audience niya sa telebisyon ay may bata’t matanda. Ayaw pa niyang alisin ang kanyang pagiging wholesome.

Bukod pa rito, sa 2013 local elections ay lalaban siya nang konsehala ng Valenzuela City.

000

MULI naming nakadaupang palad ang YouTube sensation na si Zendee Rose sa backstage ng Party Pilipinas.

Mas lalo siyang excited sa sigla ng kanyang singing career. Pinag-uusapan na kasi ngayon ang kakaibang taas ng kanyang boses na puwedeng isabay sa mga pangunahing singer sa bansa.

Sa Party P., nakikipagsabayan na siya sa mga veteran singer na sina Jaya, Rachelle Ann Go, Kyla, at iba pa. Buhat nang unang um-appear siya sa show, sunud-sunod na Sunday ay laging may portion siya rito. Di kasi matawaran ang boses niya na puwedeng ihilera  na kina Whitney Houston at Mariah Carey. Sabi’y malaking threat sa career ngayon ni Charice Pempengco ang pagpunta niya sa America.

Regular siyang lumalabas sa Party P dahil ang GMA 7 ang talagang tumulong nang husto para iangat ang career niya bilang singer na nagsimula bilang YouTube sensation. In fact, ngayong first week na ng October ang alis niya patungong U.S.A. para mag-guest sa mga sikat na programa roon.

Dati’y si Ellen DeGeneres lang ang nag-alok sa kanya, ngayon ay naragdagan na. Naka-schedule na siyang mag-guest sa Good Morning America at puwede na rin siyang tumuloy sa show ni Ophra Winfrey.

Bale ang recording company niyang Warner ang nag-aasikaso ng lahat nang itineraries sa America. Pero bago siya umalis sa bansa ay nakapag-record na siya ng mga hit songs ni Witney Houston, kabilang dito ang nagpasikat sa kanyang I Will Always Love You.

Basta, pagpunta sa America, may inihahanda para kay Zendee Rose na album na gagawin niya under Warner International.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply