Chemical company, kinalampag ng Greepeace

KINALAMPAG ng Greenpeace Philippines ang kumpanyang TNC Chemicals Phils. at iba pang industiya na ihinto na ang pagtatapon ng mga nakalalasong kemikal sa mga ilog, maging responsable sa mga polusyon at huwag itago ang mga kemikal na ginagamit sa produksyon.

Ito ay matapos makumpirma sa mga laboratory tests ang pagkakaroon ng heavy metals ,chromium ,nickel at copper na higit sa background levels sa normal na tubig at isa pang sample ang kinakitaan ng high concentration ng ng ibat-ibang uri ng carcinogenic organic compounds at carboxylic acid esters sa Laguna Lake.

Dahil dito, kinabitan ng Greenpeace ang labas ng bakod ng TNC ng mga banner na nagsasabing mga katagang ” Water Polluter “ang nabanggit na kumpanya, at mga banner na nagbibigay impormasyon sa publiko ang mga nakalalasong kemikal na natagpuan sa Laguna Lake matapos ang kampanya ng grupo kamakailan sa pamamagitan ng pangunguha ng mga samples sa tubig kung saan matatagpuan ang ibat-ibang industriya.

Ayon kay Beau Baconguis, Toxic Campaigner para sa Greenpeace SoutheastAsia Phils. , ang mga kemikal na itinatapon ng mga industriya sa tubig o sa mga ilog ay nilalason ang mga malilinis na tubig ng mga Pilipino. Marami sa mga kemikal na ito ay napupunta sa mga inuming tubig ng di napapansin at ang mga samples nito ay katulad ng mga samples na nakuha sa mga tubo ng TNC Chemicals.

Nanawagan din ang grupo sa DENR na palawigin ang Priority chemicals List at isama ang mga nabanggit na mga kemikal na nakakalason, at pangalawa ay i-phaseout ang paggamit ng mga kumapanya sa mga kemikal na nabanggit, at pangatlo magtatag ng pollution disclosure system na isinasagawa ng greenpeace.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply