China 2 beses nilindol: 43 patay, 100k bahay nasira

UMABOT sa 43 katao ang namatay habang 150 ang inisyal na naitalang sugatan makaraang makaranas ng dalawang magkasunod na pagyanig na may parehong  magnitude 5.6 na lindol ang  southwest China kaninang tanghali.

Nabatid na  100,000 katao ang nawalan ng tahanan nang yanigin ang  border  Southwestern Yunnan at Guizhou provinces kaninang tanghali.

Ayon sa inilabas na online statement ng  public affairs bureau sa Yunnan’s Zhaotong city, 43 ang namatay habang  20,000 kabahayan ang nag-collapse.

Ayon naman sa  US Geological Survey, naramdaman ang unang pagyanig bandang alas-11.20 ng tanghali (0320 GMT) na may lalim na  10 kilometers (six miles), habang ang pangalawang pagyanig ay naramdaman isang oras matapos ang unang pagyanig na mayroon ding magnitude na 5.6.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply