Chiz nanliligaw na kay Heart – Miriam

SINABI ni Senador Miriam Defensor-Santiago na “nanliligaw” na si Sen. Francis “Chiz” Escudero kay Heart Evangelista matapos ipakilala ang aktres sa senador noon.

Sa interview nitong Linggo, inamin ni Santiago na siya ang nagsilbing tulay nina Escudero at Evangelista kaya mukhang nagkakaroon ng “mabutihan” ang dalawa.

“Pabayaan na lamang natin sila,” ayon kay Santiago matapos iwasan ang kumpirmasyon kung totoong nanliligaw si Chiz sa aktres.

Sinabi ni Santiago na ipinakilala niya si Evangelista kay Escudero upang maibsan ng aktres ang kalungkutan nang makipaghiwalay kay Daniel Matsunaga na kanyang hiniwalayan sa hindi malamang dahilan.

“Well, I introduced the two of them to each other because I knew Heart has a  tough time then, nahihirapan lamang si Heart, kaya I asked her, lumabas siya at sumama sa iba’t ibang klase ng tao,” ayon kay Santiago.

Aniya, noong kasalukuyang pinapayuhan niya si Evangelista matapos makipaghiwalay sa dating boyfriend, pinayuhan nito ang aktres na makihalubilo sa maraming tao na naghudyat upang ipakilala ng senador ang artista kay Escudero.

Tiniyak pa ni Santiago na bago niya ipakilala si Heart kay Escudero ay legal na ang paghihiwalay ng senador sa unang asawa at mayroon nang annulment ang kanilang kasal.

Hindi rin aniya hadlang ang edad ng dalawa kung sakaling magkaroon ng mabuting kalagayan ang kanilang damdamin kaya lamang, nagkakaroon ng problema sa bandang huli dahil kakaiba ang interes ng mas nakatatanda.

Samantala, kinumpirma naman ni Escudero na si Santiago ang naging kupido nilang dalawa ni Heart kaya nagkatawagan silang dalawa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply