Chris Cayzer pasok sa next round ng X Factor Australia

KASALI pala ang singer-actor na si Chris Cayzer sa X Factor Australia at pasok na sa susunod na round.

Sa kompetisyon, maaga pa lang ay favorite na si Chris ng mga fans.

Ngunit sa huling performance sa groupings sa tinatawag na Super Boot Camp ay hindi bumilib ang mga judge na sina Ronan Keating (dating miyembro ng Boyzone), Mel B (Spice Girls) at Guy Sebastian. Kinanta ni Cayzer kasama ng iba pang contestant sa groupings ang “You Get What You Give” ng The New Radicals.

Una na ring sinabi sa kompetisyon ng judge na si Guy Sebastian na walang X Factor si Cayzer.

Gayunpaman, pasok pa rin si Chris sa susunod na round kaya naman hindi dapat malungkot ang mga fans ng binata dito sa Pilipinas at maging sa Australia.

Si Chris Cayzer sa Pinas

Ipinanganak na Christopher Ashley Luke Araneta Cayzer noong December 29, 1986 sa Brisbane, Autralia. Doon din lumaki si Chris at umuwi lamang dito sa Pilipinas para sa kanilang family business.

Ang kanyang ina na si Kristine Araneta Cayzer ay taga-Zamboanga habang taga-Maynila naman ang kanyang ama na si Reggie Hizon Cayzer.

Sa Pinas din unang nabigyan ng break sa pag-awit si Chirs. Nagkaroon siya ng ilang single at isa na rito ang sumikat na revival niya ng “Stay” ni Lisa Loeb.

Unang nakita ng inyong lingkod si Chirs sa Kapamilya Network matapos na mag-perform siya sa ASAP noong 2007.

Ngunit ayon sa pagsasaliksik sa web ay lumabas pala si Chris sa teleseryeng “Bituing Walang Ningning” sa Dos noong 2006. Naging MYX VJ din si Chris noon.

Ngunit lumipat siya sa Kapuso Network at naging main stay ng natsuging SOP.

Nilisan din ni Chris ang Kapuso Network at lumipat sa Kapatid Network kung saan lumabas siya sa ilang programa doon kabilang na ang PO5 at BFGF.

Madalas ding maikumpara ang itzu (itsura) ni Chirs sa yumaong rapper na si Francis Magalona noon. Marami ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig ng dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply