CJ Sereno, Sec. Roxas, bantay sarado sa CBCP

BANTAY sarado sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang performance nina Chief Justice (CJ) Ma. Lourdes Sereno, Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas at Department of Transportation and Communications (DOTC) sec. Joseph Emilio Abaya.

Sinabi ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma na hindi dapat agad husgahan ang tatlo, lalo na si Roxas nang dahil lang sa malaki ang kailangan nitong punan sa DILG.

Ipinaliwanag ni Palma na bagamat hindi alam ng publiko ang kanilang mga plano, kailangan naman magtiwala na gagawin ng mga bagong opisyal ang lahat ng kanilang magagawa upang mapantayan ang mga nagawa ni Robredo.

Dahil dito mahigpit na babantayan ng CBCP ang anumang gagawin ng tatlong opisyal sa gobyerno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply