Claudine Barretto 50/50 pa ang chances para maging Kapamilya

WELL, if ever na true ‘yung chikang huminge na nang tawad si Claudine Barretto sa head ng Star Magic na si Mr. Johnny Manahan ay magandang desisyon ito para muling mag-boom ang showbiz career ng actress. Matatandaang bigla na lang tinuwaran ni Claudine ang nagpala sa kanyang TV network nang lumipat siya sa GMA-7 two years ago. Wala namang kasalanan ang ABS-CBN sa controversial actress.

Siya itong naging pasaway noon sa kanyang mga trabaho rito. At anong napala niya sa kanyang paglipat sa Kapuso network? Hayun! Dahil sa kagagahan ay bumagsak nang husto ang career niya. Pero, lahat naman nabibigyan ng another chance. Kaya first move na ‘yung ginawa ni Claudine nang bumisita siya sa opisina ng Star Magic.

At malay natin, maintindihan na rin siya ng mga may tampo sa kanyang top executives ng nasabing istasyon. But so far, sabi ay 50/50 pa ang chances ng mahusay na actress para maging Kapamilya star uli.

So, dobleng effort pa ang dapat gawin ng misis ni Raymart Santiago para makabawi siya sa lahat ng mga kasalanan o atraso sa network na nagpasikat at nagpaningning nang husto ng pangalan sa showbiz.

***

Kim, Xian, Enchong at Maja Paiibigin na ang buong sambayanan sa “INA, KAPATID ANAK ngayong Oktubre

NGAYONG Oktubre na ipalalabas ang ABS-CBN Primetime Bida ang pinakaaabangang de-kalibreng family drama na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador.

Ang “Ina Kapatid Anak” ay isang malalim na kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, kapangyarihan, tunggalian at pagtanggap. Bukod kina Kim, Xian, Enchong, at Maja, bahagi rin ng powerhouse cast ng serye ang highly-acclaimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache  at Ariel Rivera; at tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin. Abangan ang nalalapit nang engrandeng pagbubukas ng kuwento ng “Ina, Kapatid, Anak” ngayong Oktubre sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.
facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundanang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply