Close fight tantiya ni Enrile sa RH bill

MALAKI ang paniniwala ni Senate President Juan Ponce Enrile na magkakaroon ng close-fight sa magiging kinabukasan ng kontrobersiyal na Reproductive Health Bill matapos tantiyahin na may anim na senador na hindi pa nakakapagdesisyon sa kanilang boto.

Sa panayam, sinabi ni Enrile na base sa kanyang pagtataya, may walong senador na nakatitiyak na pabor sa panukala, samantalang siyam naman ang tumututol dito, at anim pang mambabatas ang hindi nakakapagdesisyon.

“Ang alam ko na committed na anti ay siyam. Ang committed na pro ay walo. Anim ‘yung wala pa. ‘Yun ang position ko. ‘Yun ang analysis ko,” aniya.

Nauna nang tinantiya ni Sen. Panfilo Lacson na may 14 senador ang sumusuporta sa panukala, ngunit para naman kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na magkakaroon ng 10-10-3 sa botohan.

‘Yun ang kanyang tantiya or analysis sa mga senador. ‘Yung akin, ang talagang anti who are not in favor of the version presently on the table is siyam. ‘Yung talagang committed to it, to support it, walo. Anim ‘yung undecided,” ayon kay Enrile.

Dahil dito, sinabi ni Enrile na magkakaroon ng close fight sa magiging botohan sa panukala tulad nang nangyari sa Impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona na hindi alam kung ano ang kahihinatnan.

“We do not know. Kagaya ng sa impeachment, di natin alam how it will turn,” aniya.

Sinabi pa ni Enrile na kapag nagkaroon ng table sa bilang ng botohan, hindi maaprubahan ang panukala dahil walang majority na pabor sa RH bill.

“Kung mag-tie, di tabla. Hindi (maa-approve ang bill) kasi walang majority,”  aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply