Cloud seeding isinagawa sa Bohol vs El Niño

BILANG pangontra sa matinding tagtuyot sa Gitnang Visayas dulot ng El Niño sa bansa, nagsagawa ng cloud seeding (o artipisyal na ulan) ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Bohol.

Base kay Leon Parac Jr., agricultural technician ng Bohol Agricultural Office, naranasan na ang El Niño sa bansa pagpasok pa lamang ng buwan ng Agosto.

Dahil dito, nabatid na bumaba na rin ang tubig sa mga dam at halos wala nang maisuplay na tubig sa mga irigasyong pang-sakahan.

Nabatid pa na bitak-bitak na rin ang mga palayan sa lalawigan.

Dahil sa isinagawang cloding seeding, nakararanas na ngayon ng unti-unting pagbagsak ng ulan sa lalawigan

Patuloy ang pagsasagawa ng cloud seeding sa lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply