CoC ni Aga Muhlach, irerehistro pa rin ng Comelec kahit may petisyon

NAGA CITY – Sa kabila ng petisyon laban sa pagiging legal na botante ng Camarines Sur ng aktor na si Aga Muhlach, ire-rehistro pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang certificate of candidacy (CO) nito.

Si Muhlach ay una nang naghayag ng kanyang layuning kumandidato bilang congressman sa ikatlong distrito ng lalawigan sa ilalim ng partido Liberal (LP).

Sa isang panayam, sinabi ni provincial election supervisor Atty. Noriel Badiola, walang magiging problema kung magsumite man ng kanyang CoC si Muhlach dahil wala pa naman silang natatanggap na desisyon mula sa Comelec central office hinggil sa petition for disqualification.

Ang nasabing petisyon laban sa aktor ay isinumite sa kanilang opisina dahil sa pagkuwestyon sa pagpaparehistro nito at ng asawang si Charlene Gonzales bilang legal na botante sa bayan ng San Jose.

Ayon kay Badiola, malinaw na walang nagbabawal sa hakbang na ito ng aktor basta’t ilalagay nito sa CoC ang mga detalyeng mag-uugnay sa kanyang pagiging residente sa nasabing bayan.

Sa ngayon, wala pang resulta ang ipinalabas na order ng central office hinggil sa nasabing petisyon.

Una nang dumipesa si Aga sa kanyang residency status sa lugar na matagal na silang pabalik pablik doon at meron pang nabiling lupa at bahay ang aktor.

Isa pang pagpapatunay ay ang ama ng aktor ay taga-Camarines Sur din.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply