Coconut industry tututukan ng Department of Agriculture

MAGLALAAN ng P1.7 billion ang Department of Agriculture (DA) para sa pag-e-export ng mga produktong gawa sa niyog.

Ang administrasyong Aquino ay magbibigay ng kaukulang pagpapahalaga sa paglalabas ng mga produktong gawa sa niyog, tulad ng coconut water at virgin coconut oil (VCO).

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, malaki ang kumpiyansa ni Pangulong Benigno Aquino III na ang industriya ng niyog ay may malaking potensyal sa world market.

Ang nasabing proposal na P1.75 billion na budget para sa 2013 ay mas malaki ng 47% sa budget ngayong taon na P1.2 billion.

Ayon kay PCA Administrator Euclides Forbes, nakikipagtulungan sa kanila ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH) upang mas maging maayos ang nasabing proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply