COCs ihain ng maaga – Comelec

HINIKAYAT ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga kakandidato para sa May 13, 2013 midterm elections na maghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ng maaga.

Ito’y kasunod na rin nang nalalapit na takdang petsa nang paghahain ng COC mula Oktubre 1 hanggang 5.

Sa kanyang pagdalo sa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan nitong Linggo, tiniyak ni Comelec Spokesman James Jimenez na hindi na sila magbibigay pa ng extension para sa paghahain ng COC.

Ayon kay Jimenez, sila naman ang magkakaproblema sakaling pagbigyan ng Comelec ang mga kahilingang palawigin pa nila ang panahon para sa paghahain ng COC.

Ani Jimenez, sa sandaling makapaghain na ng COC ang mga kandidato ay tatanggap naman sila ng mga posibleng petisyon laban sa kandidatura ng isang kandidato.

Paliwanag nito, kailangan aniyang tutukan nila ng pansin ang pagresolba sa naturang mga petisyon upang hindi sila kapusin ng oras para sa pag-iimprenta ng mga balota na kinakailangang maisagawa na pagsapit ng Enero.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply