Collective negotiation agreement, dedma sa MMDA

LUMUSOB sa Senado ang Kapisanan Para sa Kagalingan ng mga Kawani ng MMDA (KKK-MMDA) upang iparating ang pananatiling bingi ng  MMDA sa karaingan ng mga kawani na ibigay na ang Collective Negotiation Agreement ng mga kawani .

Patuloy na iginigiit ng MMDA na walang pera ang ahensya gayung natuklasan na mayroong time deposit  savings ang ahensya na nagkakahalaga ng P211 milyon na sapat para mabayaran ang CNA ng mga kawani. Sa mismong mga pahayag ng MMDA accounting division nanggaling ang impormasyon subalit binago ng accounting division chief na si Ruth Diaz ang pahayag na ito sa pagsasabing hindi ito saving kungdi pambayad sa mga pagkakautang at accountables ng ahensya.

Ayon sa Presidente ng KKK-MMDA na si Jaime Enriquez, pabago-bago ang mga pahayag ng negotiating panel ng MMDA at sa huling pag-uusap ay nagpahayag ang MMDA panel na mag-re-request na lamang ang ahensya sa Department of Budget and Management para sa P96 milyong CNA budget  kung saan tatanggap ng P25,000 ang bawat kawani ng MMDA base sa napagkasunduang negosasyon .

Malinaw umano ayon kay Enriquez, sa patakaran ng budget circular 2006 na sa matitirang pondo ng MMDA  noong nakaraang taon kukunin ang Cash Incentive para sa taong 2011. Ang KKKMMDA ay binubuo ng mga enforcers at street sweepers ng MMDA.

Dahil sa patuloy na delay sa pagbibigay ng CNA sa mga kawani ng MMDA, nagtungo  sa Senado ang mga miyembro ng KKK-MMDA upang iparating ang kanilang hinaing at pagkadismaya sa pagwawalang bahala ng pamunuan ng MMDA sa nabanggit na isyu.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply