Comelec: 150-200 partylist groups mabibigyan ng akreditasyon

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na posibleng may 150 hanggang 200 party-list groups ang mabigyan ng akreditasyon para makalahok sa 2013 midterm elections.

Sa pagdalo sa lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na may 285 potential party-list groups na humihingi ng akreditasyon sa poll body.

Gayunman, tiyak na mababawasan pa ang mga ito, kasunod na rin ng ginagawang pagsala sa kanila ng poll body sa kasalukuyan.

“Ang ating estimate ang lalabas sa party-list ay 150 hanggang 200 sa 2013 elections,” ani Jimenez,.

Aniya, isa sa ginagamit nilang basehan upang mabigyan ng akreditasyon ay ang track record ng party-list groups, gayundin ang record ng kinatawan nito, kung tugma sa ipiniprisintang grupo.

Tiniyak din ni Jimenez na wala nang pagkaantala pa ang pagpapalabas ng pinal na listahan ng party-list sa katapusan ng Oktubre.

Matatandaang dapat sana ay ngayong Setyembre ipapalabas ng poll body ang pinal na listahan ng mga grupong papayagang makalahok sa party-list race.

Gayunman, naantala ito dahil sa dami ng petisyong kanilang dinidinig kaya’t ipinagpaliban na lamang ang pagre-release ng listahan sa susunod na buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply