Pagsala sa mga partylist tatapusin na ng Comelec

DESEDIDO ang Commission on Elections (Comelec) na matapos bukas ang pagdinig sa mga partylist group na nais lumahok sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na target nilang mabawasan ang bilang ng mga partylist group na sasabak sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Brillantes, posibleng umabot sa 150 partylist group ang mabigyan nila ng accreditation para makalahok sa 2013 elections.

Tiniyak muli ni Brillantes na ilalabas nila kaagad sa mga susunod na araw ang official list ng mga partylist group na puwedeng tumakbo sa midterm elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply