Comelec inutil sa maagang nangangampanya

INAMIN ng Commission on Elections (Comelec) na wala silang magagawa para harangin ang mga kandidatong ngayon pa lamang ay mistula nang nangangampanya dahil sa paglalabas ng paid advertisements sa radyo, pahayagan at telebisyon.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang naturang pulitiko ay hindi maaaring panagutin sa paglabag sa election code dahil sa wala pa namang campaign period at hindi pa rin naman kandidato ang mga ito dahil hindi pa sila nagsusumite ng kanilang kandidatura sa poll body.

Ipinaliwanag ni Jimenez na sa ilalim ng Omnibus Election Code at umiiral na jurisprudence, ang mga election regulations sa pangangampanya ay aplikable lamang sa panahon ng campaign period.

Sinabi ni Jimenez na ang tanging paraan na lamang para maitama ang sitwasyon ngayon ay magpasa o amyendahan ng lehislatura ang mga umiiral na batas.

Aniya pa, sa ngayon ay ang mga taumbayan na ang bahalang humatol sa mga nasabing kandidato na maaga pa lang ay nagpaparamdam na sa publiko.

“Walang pagbabawal na pwedeng ilaban sa mga supposedly kandidato. Walang violation itong mga ito. Pangit tingnan, sagwa, but ultimately not in the realm of what Comelec can govern. Sa public ang dapat panagutan ng mga taong ito, pag nasuya publiko sa mukha nila sa ginagawang stratehiya,” ayon kay Jimenez.

Ilan sa mga pulitiko na matunog ang pangalan na kakandidato sa 2013 midterm elections at ngayon pa lamang ay mayroon ng paid advertisement sa telebisyon ay sina Cong. Erin Tanada III, dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros, at TESDA Dir. Gen. Joel Villanueva.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply