Comelec: Maagang pangangampanya, wala sa AEL

MARAMING kulang na probisyon sa Republic Act 9369 o mas kilala sa tawag na Automated Election Law.  Ito ang inamin kahapon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr..

Sa kabila naman nito, sinabi ni Brillantes na sa ngayon ay malabo nang maisulong pa ang pag-amyenda sa naturang batas dahil malapit na ang halalan sa taong 2013.

Ipinaliwanag ni Brillantes na imposible nang maayendahan ito bago ang halalan lalo na’t unang unang tatamaan ay ang mga nakaupong kandidato na plano ring tumakbo sa darating na eleksyon.

Kasabay naman nito, tiniyak ni Brillantes na pagkatapos ng 2013 elections ay isusulong nila na maaamyendahan ang RA 9369.

Ayon kay Brillantes, kabilang sa mga mahalagang maisama sa nasabing batas ay ang probisyong nagbabawal na premature campaigning na siyang pangunahing naaabuso ng mga kandidato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply