Comelec sa mga kandidato: ‘Delicadeza’ sa maagang pangangampanya

PINAALALAHANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato para sa May 2013 midterm polls na magkaroon ng ‘delicadeza’ at umiwas sa maagang pangangampaniya.

Ito’y kasunod na rin ng pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga aspiring candidates simula bukas, Oktubre 1 hanggang 5.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bagamat walang batas na nagbabawal sa mga kandidato sa pag-promote ng kanilang mga sarili bago ang campaign period, hindi naman sang-ayon ang poll body dito.

“It’s something that we disagree with vehemently, and we think that candidates should refrain from doing that,” ani Jimenez.

Inamin rin ni Jimenez na kahit nakapaghain na ng kandidatura ay hindi nila mapipigilan ang mga kandidato na mangampaniya na kahit hindi pa campaign period.

Gayunman, pinayuhan ni Jimenez ang mga aspiring candidates na magkaroon naman ng ‘delicadeza’ at huwag samantalahin ang pagkukulang sa batas upang makalamang sa mga karibal sa pulitika.

“Even if the letter of the law or the interpretation of the Supreme Court in effect allows them to campaign prematurely, sana naman konting delicadeza,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply