Comelec: Walang espesyal na araw ng filing ng CoCs sa ARMM

HINDI naghanda ng espesyal na plano ang Commission on Elections (Comelec) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), partikular na sa Maguindanao, para sa nakatakdang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato para sa May 2013 elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kumpiyansa silang hindi na mauulit pa ang naganap na karumal-dumal na Maguindanao massacre noong kasagsagan nang paghahain ng kandidatura para sa May 2010 elections.

Magugunitang noong Nobyembre 23, 2009, 58 katao, na karamihan ay mga babae at mga miyembro ng media ang pinaslang habang bumibiyahe patungo sa local office ng Comelec upang maghain ng COC ni dating Buluan town vice mayor at ngayon ay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.

Ang naturang insidente ang naitalang ‘worst election-related violence’ sa bansa at itinuturong may kagagawan sa krimen ang angkan ng mga Ampatuan na karibal sa pulitika ng mga Mangudadatu.

“There’s no special preparation. We don’t expect anything to happen, like the Maguindanao massacre,” pahayag pa ni Brillantes.

Ipinaliwanag ni Brillantes na wala rin silang inaasahang mga insidente ng karahasan na magaganap, batay na rin sa kanilang karanasan sa pagsasagawa ng general registration of voters sa rehiyon noong Hulyo 9 hanggang 18.

Ang filing ng COC ay nakatakdang idaos sa buong bansa sa Oktubre 1 hanggang 5.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply