Comelec: Walang extension sa filing ng COCs

HINDI na palalawigin pa ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 2013 midterm elections, na nakatakda mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Oktube 1 hanggang 5.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., sakali kasing i-extend nila ang filing ng COC ay sila naman ang maaaring magkaroon ng problema sa isinasagawang preparasyon para sa nalalapit na halalan.

Ipinaliwanag nito na pagkatapos ng paghahain ng kandidatura ay kasunod na ang paghahain ng mga petisyon para sa pagpapadiskwalipika sa mga kandidato.

Iginiit ng Comelec chief na hindi biro ang panahong gugugulin nila sa pagdinig sa mga naturang petisyon na kailangan nilang matapos hanggang Disyembre dahil sa Enero ay sisimulan na nila ang paglilimbag ng mga balota.

Idinagdag pa ni Brillantes na ang posible lang nilang mapayagan na ma-extend ang filing ng COC ay sa lalawigan ng Camarines Sur na nasa proseso na nang paghahati sa Kongreso.

Ang mga kandidatong tatakbo sa halalan ay maaaring maghain ng COC sa Comelec mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, sa nabanggit na petsa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply