Comm. Biazon ‘di na tatakbong senador sa 2013 polls

INANUNSYO na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kaninang umaga na hindi na siya tatakbo bilang senador sa 2013 mid-term elections.

Sa isang press conference, sinabi ni Biazon na sa isang ikinasang survey hinggil sa darating na senatorial elections ay malaki ang tiyansa niyang manalo sa susunod na eleksyon.

Gayunman, naniniwala si Biazon na hindi siya mananalo bilang senador.

Tumakbo si Biazon at natalo noong 2010 senatorial elections sa ilalim ng Liberal Party at ang pinalitan niya ay ang kanyang tatay na dating senador at ngayon ay Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon, sa Senado.

Sinabi rin ni Ruffy sa kanyang Twitter account na ang kanyang tatay ay walang planong tumakbo bilang senador sa 2013.

Naabisuhan na niya si President Benigno Aquino III hinggil sa kanyang desisyon at iginiit na hindi siya diniktahan ng Pangulo.

Ayon sa komisyuner, nais niyang mapagbigyan ang iba pang potential senatorial candidates na tumakbo sa susunod na halalan.

Tiniyak ni Biazon na ipagpapatuloy niyang pamunuan ang Bureau of Customs at ikakasa ang mga reporma na kanyanang naumpisahan na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply