Commuter Express publisher nakalaya sa piyansa

NAKALAYA na ang publisher/owner ng isang free newspaper makaraang maglagak ng piyansa sa Makati Regional Trial Court kamakailan.

Maalala na dinakip ng Manila CHAPA sa pangunguna ni PO3 Jupiter Tajonera si Antonietta “Tonette” Henson sa isang pagtitipon na isinagawa sa Manila Hotel nitong Setyembre 7 dahil sa hindi pagbabayad/pag-remit ng SSS contributions ng kanyang mga empleyado.

Isinasagawa noon ang pagtitipon ng 2nd Print Congress nang dumating ang CHAPA officials at hinuli si  Henson sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 139 judge Benjamin T. Pozon.

Nabatid na umabot sa P24,000 ang inilagak na piyansa ni Henson para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Patuloy namang nakalalaya ang iba pang akusado na sina Victor Caluag, Ching Caluag at Realiza Henson, pawang miyembro ng board of directors ng nasabing pahayagan.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply