Confirmation ni Roxas pinaaapura ni PNoy sa CA

NANAWAGAN si Pangulong Benigno Aquino III sa Commission on Appointment (CA) na apurahin ang pormal na pagkatatalaga kay Secretary Mar Roxas bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kapalit ng pumanaw na si Sec. Jesse Robredo.

Sinabi ng Pangulo na isang mahusay na opisyal si Roxas at tiwala siyang mapapantayan o kaya’y mahihigitan pa nito ang mga nagawa ni Robredo.

Dahil dito, si Cavite Representative Joseph Emilio “Jun” Abaya naman ang inilagay sa binakanteng puwesto ni Roxas sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Samantala, sinabi rin ni P-Noy na tiwala siya sa kakayahan ni Abaya at kumpiyansa siyang maipagpapatuloy nito ang nasimulan ni Roxas sa DOTC.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply