Corona pinatatantanan sa administrasyon

UMAPELA ngayon ang oposisyon sa administrasyong Aquino na bigyan ng simpatiya si dating Chief Justice Renato Corona.

Sa katatapos na press conference, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na sana ay tantanan na ng administrasyon si Corona dahil matapos itong ma-impeached ay nawala na ang lahat dito at para na rin siyang buhay na patay dahil professionally dead na ito.

Panawagan ni Suarez na hindi na dapat pang dagdagan ang kalbaryo ni Corona sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong tax evasion at forfeiture case.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na hanggang ngayon ay wala pa namang mga ebidensyang pinalutang kaugnay sa diumano’y mga ill-gotten wealth nito na nailantad sa panahon ng impeachment trial kundi ang napatunayan lamang ay ang pagkakamali sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth(SALN).

Pakiusap pa ng mambabatas huwag nang tapak-tapakan pa si Corona dahil nakalugmok na umano ito at sa halip ay kaawaan na lamang ito.

Nakuha na umano ng Malakanyang ang gusto nito na tanggalin si Corona kaya dapat naman maging “magnanimous in victory” ang administrasyon

Samantala, pinatatahimik naman ni Akbayan Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao ang mga senior associate justices ng Korte Suprema sa kanilang pag-aalburuto matapos maitalaga si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Kasunod ito ng pang-iisnab ng pitong senior associate justices sa flag raising sa SC na kauna-unahang dinaluhan ni Sereno bilang CJ.

Hindi aniya dapat umastang tila mga bata ang mga mahistrado at dapat nang isantabi ang anomang sama ng loob sa pagkaka-appoint kay Sereno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply