COS ng isang prosecutor, arestado sa pangongotong

ARESTADO ang isang chief of staff (COS) ng isang state prosecutor sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangongotong  ng P250.000 sa isang babaeng nahaharap sa kasong adultery na nakasampa sa Department of Justice (DOJ).

Kasong robbery extortion sa Manila Prosecutors Office ang isinampang laban sa suspek na si Mutya Santiago ng 45 Panginay, Guiguinto sa  Bulacan, chief of staff, ni Senior State Prosecutor Severino Gana.

Pinayagan namang makapaglagak ng piyansa ang suspek ng halagang P100,000 ni Judge Silverio Castillo.

Pinaghahanap naman ang isang “Louie” na kakutsaba ni Santiago.

Ayon kay NBI Spokesman Cecilio Zamora, ang pag-aresto sa suspek ay isinagawa sa loob ng DOJ building noong August 3, sa pamagitan ng entrapment operations dahil sa reklamo ng dating beauty queen at international ramp model Nuriya Abeja kung saan may nakabinbing kaso ng adultery sa DOJ noon pang nakaraang taon.

Nabatid na humingi ng pera ang suspek mula kay Abeja kapalit ng paborableng desisyon sa kanyang kaso.

Base sa record ng korte, nagsampa ng adultery case ang asawa ni Abeja sa Makati City Prosecutors Office noong nakaraang taon subalit ibinasura ang reklamo ni Abeja dahilan upang iakyat ng kanyang asawa ang kaso sa DOJ.

Nitong July, nagtungo si Abeja sa DOJ upang i-follow up ang kanyang kaso kung saan sinabihan siya ng suspek na ang kanyang kaso ay may draft resolution na at maaring muling katigan sa naunang desisyon subalit maaari itong mabaligtad kung magbabayad ito ng halagang P300,000.

Nagkasundo ang dalawa sa halagang P250,000 subalit lingid sa kaalaman ng suspek ay nagsumbong si Abeja sa NBI kung saan plinano ang entrapment na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply