Cover-up sa Subic oil spill

MALAKING katanungan pa rin ang namataan ng isang local photographer habang nagpo-”photo shoot” sakay ng “light plane” sa kalawakan ng Subic Bay noong Sabado, Septyembre 1.

Ito Ang Totoo: kumbinsido ang photographer na si Gershom Pertacorta na “oil spill” ang nakita niya at kinunan pa ng mga litrato bilang ebidensiya.

Hanggang tayo’y sumusulat ng kolum na ito, hindi pa rin maipaliwanag ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Philippine Coast Guard sa Subic kung ano ang pinaniniwalang “oil spill” at kung saan nanggaling ito.

Pinaikutan na umano ng Coast Guard nitong Lunes ang lugar kung saan nakunan ni Pertacorta ng litrato ang “oil spill” pero wala na raw ito.

Nakapagtataka ang sitwasyon dahil sa itsura pa lang batay sa mga larawang kuha ni Pertacorta ay walang ibang maiisip kundi “oil spill” nga at siguradong hindi naman tubig na kumpol-kumpol sa bahaging iyon ng Subic Bay. May cover-up bang nagaganap kaugnay ng “oil spill?”

Bakit at para kanino?
Nakapagtataka rin ang katahimikan  ng  mga  “self-annointed” environmentalist sa lugar.

Hindi biro ang pagkakaroon ng “oil spill” at may mga insidente nang ganito sa Subic Bay sa nakalipas na mga panahon.

Kung anoman ang nalitratuhan ni Pertacorta, dapat malaman dahil kahit ano pa, dapat matukoy ang pinagmulan at matiyak kung ito ay mapanganib o mapaminsala sa kalikasan at kalusugan ng mamamayan.

Mapasaan man, dapat maging malinaw ang lahat at maging mapagbantay tayo sa posibleng “cover-up” ng mga nagpabaya, nabayaran, tanga o nagtatanga-tangahan, kung meron man.

Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/1438762090-55760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply