Cruz: Pambubugbog ‘di basehan para mapawalang-bisa ang kasal

HINDI maaring maging grounds ang pambubugbog para mapawalang bisa o ma-nullify ang isang kasal.

Ito ang nilinaw ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at kasalukuyang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines National Appellate Matrimonial Tribunal Judicial Vicar.

Paliwanag pa ng arsobispo na maaari lamang maging ground ng declaration of nullity ang pambubugbog kapag napatunayang may kakulangan o kalabisan ang pag-iisip ng nambubugbog.

“Grounds po yan kapag napatunayan na ang kaisipan ng nambubugbog ay may kakulangan o kalabisan.Uulitin ko po ‘di komo bubugbugin kita ay makakakuha ka na ng nullity o declaration of nullity o kaya para makuha ko ang nullity o makapag-asawa ako ng iba ay bubugbugin ko na lang yung misis ko.” paglilinaw ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radio Veritas

Ang pambubugbog aniyac ay maaaring ground lamang sa separation o paghihiwalay ng mag-asawa at hindi ang pagpapawalang bisa ng kanilang kasal.

Ginawa ni Cruz ang paglilinaw hinggil sa kaso ng mag-asawang Analiza at Reynold Marzan na inaakusahang nagmaltrato at nanakit sa kanilang 21-taong gulang na kasambahay na si Bonita Baran.

Lumabas sa pagsisiyasat na naging “battered wife” si Analiza ng mister kaya nito ibinunton ang galit sa kanilang kasambahay.

Kaugnany nito, pinasalamatan naman ni Archbishop Cruz ang Senado sa panukalang “Kasambahay Bill” na magbibigay ng proteksyon at digdinad sa mga kasambahay.

Umaasa din si Archbishop Cruz na ang mga kasambahay sa bansa ay mabibigyan din ng pagkakataong makapag-aral o mabigyan ng pormal na edukasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply