CSWD OIC oic ng Antipolo korap nga ba?

BAGO ang lahat  ay basahin na muna natin itong isang bukas na liham na in-email sa atin ng isang masugid na tagasubaybay natin sa ating kolum na Juan de Sabog.

Sir Johnny, kumusta kayo. Ako ay isang masugid ninyong tagasubaybay sa inyong napakagandang kolum. Ako ay isang residente ng Antipolo City. May puna ako na nais naming pasabugin niyo sa inyong kolum para malaman ng lahat ng mamamayan ng Antipolo.

Tungkol ito kay Miss Nadea Sarte na OIC ng CSWD ng Antipolo City. Siya ay residente ng Marikina at ‘di siya taga-Antipolo. Sir, ang puna ng marami ay may pagka-corrupt ng dalagang ito. Isa na sa bahay-kalinga ng Cogeo na pinagdadalhan ng mga kababaihan at lalaking below18 na street children.

May budget na pagkain sila na bigay ng gobyerno. Ngunit nakaaawa ang mga bata, puro sardinas na de -lata at iba pa ang inuulam nila at tipid na tipid pa. Sabi pa ng source ko, nagsisibak pa ng kahoy ang mga bata bago magluto. Wala silang kalan o liquified petroleum gas.

Matapang at masungit ito, sabi ng karamihan. Umupo ito nang manalo si Mayor Nilo Leyble. Sabi pa ng source ko, mga ilang buwan pa lang ito sa posisyon ay marami na itong sinibak na casual employee. Kawawa naman ang mga mahihirap. Katwiran niya wala raw budget eh!

Bakit ang mga ipinalit niya sa mga sinibak niya ay mga kamag-anak at mga kakilala niya na taga-Marikina? Sir Johnny, puwedeng manawagan kay Mayor Ley-ble? Mayor Leyble, pakiusap, pakisibak ang OIC niyo sa CSWD. Pakipalitan niyo ng taga-Antipolo kung maaari. Malapit na ang halalan, mahal naming mayor. Ikaw pa rin ang iboboto namin kung nasibak na ang Oic na yan dahil wala siyang awa at pagmama-hal sa mga taga-Antipolo.

Action agad Mayor Leyble!

GAYBAR FRONT NG PROSTITUSYON SA PASAY

WOW talagang untouchable ang Flower for Men (F4M) Gay-bar Disco sa Roxas Blvd, Pasay City. Ang dami palang mga macho dancer ang naka-stay-in sa gaybar na yan na anytime na gustong kontakin ng mga bading at matrona at iba pang mga babaeng nagpupunta rito ay kaagad nila ito makaka-sex.

Anoman ang reklamo mangyari ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply