Curfew mahigpit na ipatupad – Mayor Lim

INIUTOS ngayon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa lahat ng barangay chairman na mahigpit na ipatupad ang curfew hour sa mga menor de edad sa Maynila.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde sa isang diyalogo matapos ang isinagawang free dental at medical services sa ikatlong distrito ng Maynila.

“Huwag ninyong isipin na porke’t menor eh hindi na ninyo pupuwedeng aksyunan. Maaring dalhin sa presinto o barangay hall ang mga menor de edad na nagkalat sa kalsada sa disoras ng gabi at pupuwedeng dun na sila patulugin kung di man agarang ma-locate ang kanilang mga magulang, nang maturuan sila nang leksyon, pati na din ang mga magulang,” ayon kay Lim.

Iginiit ng alkalde na maaaring humingi ng tulong sa kapulisan para maging mabilis ang pag-aksiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply