Curfew vs kabataang gumagala sa kalye, ikakasa

PARA mabawasan ang krimen at bandalismo, inatasan ni bagong Metro Manila police head Chief Supt. Leonardo Espina kaninang umaga ang kapulisan na makipag-kabit bisig sa mga barangay officials sa pagpapatupad ng ‘curfew’ sa mga menor de edad.

Ito ay ipinakasa ni Espina matapos mapansin na kahit hatinggabi na ay nagkalat pa rin ang mga kabataan sa kalsada.

Ilan sa lokal na pamahalaan sa Metro Manila, tulad ng Maynila ay may ordinansang nagbabawal sa mga menor de edad na manatili sa mga kalsada mula alas 10:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.

Sinabi ni Espina na ang kanyang ikinasang inspeksyon ay may indikasyon na ang mga kabataan na nasa kalsada kahit gabi na ay maaring masangkot sa gang wars, petty crimes, vandalism, at kahit sa sex orgies, particular sa ilalim ng mga tulay sa lunsod.

Sinabi rin ni Espina na ayaw niya maging biktima ng krimen ang mga kabataan kapag sila ay nasa labas pa ng kanilang kabayahan sa dis-oras ng gabi o hanggang madaling araw.

Nauna rito, nagpatupad ng bagong polisiya si Espina para matulungan ang kapulisan na maging handa sa paglaban sa krimen kabilang ang two-minute time limit para rumesponde ang pulisya sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply