Customers na bigong magbayad sa bar, nauwi sa rambol

LUMIKHA ng rambol at sabunutan ang isang masayang gabi sa isang bar makaraang bigong makapagbayad ang isang grupo ng mga customer sa  East Avenue, Quezon City.

Nabatid na nag-inuman sa bar ang pitong magkakaibigan kung saan unang umuwi ang apat sa kanila habang naiwan ang tatlo pa.

Nang papauwi na ang tatlo, hinarang sila ng mga bouncer dahil may balanse pa umano silang mahigit P200 sa bill.

Depensa naman ng tatlong customer, inakala nilang nabayaran na ito ng kanilang apat na kasamahan na unang umuwi kung saan itinanggi naman ito ng manager.

Dahil dito, nagsimulang magkainitan at magtalo ang dalawang grupo na nauwi sa gulo at sabunutan.

Tinuloy pa ng mga ito ang bangayan kahit dumating na ang mga pulis kaya lahat ng sangkot ay binitbit sa presinto.

Sasampahan sila ng kasong alarm and scandal.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply