Cute na balugang tiyanak at ‘tupada’ sa Malabon

INALMAHAN ni Vice President Jojo Binay ang pahayag ni Corina Sanchez-Roxas na may mga naghahangad sa DILG post na “maiitim na maliliit na maligno.

Ba’t nga naman hindi aangal si VP Binay, eh, siya lang naman ang nagnanasa noon pa sa DILG post.

At alam naman ng taumbayan na si Binay ay “maitim at maliit,” ewan nga lang kung maligno! He, he, he!

Mali nga talaga itong si Korina Sanchez-Roxas.

Eh, pwede nga namang sabihin lang na “cute na balu-gang tiyanak.” Hak, hak, hak!

At higit sa lahat, parekoy, lumalabas nga naman na kinakampihan ni Korina ang kanyang asawang si Mar Roxas na tinalo ni Binay sa pagka-Bise Presidente noong 2010.

Halos tiyak na rin na sa 20-16 ay sina Binay at Roxas pa rin ang magkakatunggali sa pagiging Pangulo ng bansa.

Hindi nga naman maganda na ngayon pa lang ay lumala-bas na nagpapakampi si Mar Roxas sa kanyang sikat na asawang si Korina Sanchez.

Na posibleng dahilan kaya tinawag nito si Binay na “maitim na maliit na maligno.”

Pero, sa tingin ko, parekoy, hindi rin makatutulong kay Binay ang pagiging masyadong “manipis” o pikon sa mga kaunting patutsada sa kanya!

MARAHIL ay hindi alam ni Malabon City Chief of Police S/Supt. Ferdinand Ampil na kaya dumarami ang krimen sa kanyang AOR ay dahil sa ‘di masyadong “visible” sa mga kalsada ang kanyang mga pulis.

At ang isa, parekoy, sa mga dahilan kaya kulang ang mga pulis sa mga kalsada ng Malabon, lalo na kung araw ng Linggo, dahil naroon ang karamihan sa kanila at “nag-kukumpol-kumpol” sa isang iligal na tupada.

Ang tinutukoy natin ay ang “joint tupada-sakla operation” sa Cadima, Brgy. Tonsuya, Malabon na pinatatakbo ng isang Brgy. Tanod na asawa naman ng isang Kagawad. Opkurs, parekoy, may basbas umano ito ng Brgy. Chairman ng Tonsuya.

Subukan mo Col. Ampil na pasyalan ang nasabing lugar kung araw ng Linggo!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  ALARMA-Kinse Trenta (Lunes-Biyernes, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply