Cyber den sa Caloocan sinalakay, 3 arestado

ARESTADO ang tatlo katao makaraang salakayin ng Caloocan City Police ang isang pinaniniwalaang cybersex den sa Barangay 18.

Nabatid na tumambad sa awtoridad ang  isang lalaking walang salawal na nakikipag-usap sa isang banyagang kliyente sa computer  at dalawang babae pa ang inabutan ng mga pulis sa bahay pero itinanggi ng mga itong sangkot sila sa operasyon.

Habang inamin naman ni  Mark Joseph Cruz na nagla-live show siya sa mga foreigner sa pamamagitan ng Internet.

Narekober din ng mga pulis ang mga computer na ginagamit umano sa cybersex at iba pang gamit para sa live show.

Nakapiit na ang tatlo sa Caloocan Police Headquarters at sasampahan ng kaso ngayong umaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply