Cybercrime Law, ginagawang krimen ang karaniwang usapan

GAGAWING pagkakasalang kriminal ng bagong cybercrime law ang ordinaryong usapan ng mamamayan, ayon kay Bayan Muna congressman Teddy Casino.

Ang pagpapataw umano ng kasalanang kriminal katulad ng libelo sa social networking sites katulad ng Twitter at Facebook ay isiningit lamang at hindi masusing napag-usapan, dagdag pa ni Casino.

Tumututol ang kongresista dahil iba naman daw ang komentaryo sa mga social networking site kumpara sa traditional na mass midya tulad ng dyaryo, telebisyon at radyo.

Ang mga social networking site ay isang paraan upang makapag-pahayag ang mga karaniwang mamamayan at hindi dapat tingnan sa tradisyunal na mga patakarang editoryal, dagdag ng mambabatas.

Nanawagan si Casino na agarang amyendahan ang Cybercrime Law dahil maari itong gamitin upang labagin ang batayang karapatan ng mamamayan sa malayang pamamahayag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply